Reyalidad ng Pag-asa
Sinabayan ng dilim ang nakakabinging bulong ng tahimik na gabi. Tumakbo ang mga nabitag, silay mga animoy bagong tasang panulat. Nagsimula nang igalaw ang mga lapis at ang bawat digta ay ginapos sila, ang mga tinta na magsisilbi sanang mga kulay sa mga libro na kanilang nililimbag ay naging duming nagpasama ng pigura ng mga sinusulat nilang akda. Ang hinirang sa kanilay umakyat sa entablado, sinabitan ng mga kadenang nakakubli ang anyo sa kapirasong bakal at kapiranggot na tela, sinakal sila ng mga medalyang utay utay na bumigat na pumigil sa kanilang pagangat. Ang ilay parang mga dahong nahulog sa gitna ng dubduban, ang aliw na dinulot ng masidhi nilang damdamin ang sumunog sa kanila. Mga batang nagpamalas agad sa larangang tinatawag na pagibig at ito din ang naghagis sa kanila sa apoy na sila mismo ang lumikha.
Ito na ang normal na reyalidad, hindi na mga bituin ang nakaguhit sa kanilang mga braso kundi mga linyang kasing pula ng mga laso. Huwag na sanang paabutin sa puntong lubid na ang kanilang magiging medalya at bangko na ang kanilang entablado at ang pagtumba ay senyales na hindi na muling lalapat sa lupa ang kanilang mga paa. Ginapos sila ng mga digta, sinakal ng mga medalya at nabaliw sa pagsinta ngayoy normal nalang makita sa balita na isang bata natagpuang nakahandusay matapos kitilin ang sariling buhay.
Sa pagsapit ng dilim, kung kailan nakakabingi ang katahimikan, naway marinig natin ang mga hagulhol nila.